tungkol sa tamang paraan sa pag hugas ng kamay

Kung naghahanap ka ng mga sagot sa tanong na: tungkol sa tamang paraan sa pag hugas ng kamay, napunta ka sa tamang lugar.
Narito ang ilang sagot sa tanong na ito. Mangyaring basahin ang higit pa.

Tanong

tungkol sa tamang paraan sa pag hugas ng kamay

Mga sagot sa #1 sa Tanong: tungkol sa tamang paraan sa pag hugas ng kamay

Answer:

Mga Patnubay sa Mabuting Paghuhugas ng Kamay

Ang paghuhugas ng kamay, kapag nagawa nang wasto, ay isang mahalagang kasanayan sa pansariling kalinisan sa katawan upang maiwasang makakuha at makapagpalaganap ng mga nakakahawang sakit.

Kailan tayo dapat maghugas ng ating mga kamay?

  • Bago hipuin ang mga mata, ilong at bibig
  • Bago kumain o humawak ng pagkain
  • Pagkatapos gumamit ng palikuran
  • Kapag nalagyan ang mga kamay ng mga inilalabas sa palahingahan, hal., pagkatapos umubo o bumahin
  • Pagkatapos humawak ng mga pampublikong instalasyon o kagamitan, gaya ng mga hawakan ng escalator, mga pindutan ng elevator o mga hawakan ng pinto
  • Pagkatapos magpalit ng mga lampin o humawak ng mga nadumihang bagay kapag nag-aalaga ng mga munti o may sakit na bata

Mga hakbang para sa mabuting paghuhugas ng kamay

  1. Basain ang mga kamay sa tumutulong tubig
  2. Maglagay ng likidong sabon at pagkuskusin ang mga kamay para makagawa ng bula
  3. Alisin mula sa tumutulong tubig, pagkuskusin ang mga palad, likod ng mga kamay, pagitan ng mga daliri, likod ng mga daliri, mga hinlalaki, dulo ng mga daliri at mga pupulsuhan. Gawin ito nang kahit 20 segundo
  4. Banlawan nang mabuti ang mga kamay sa tumutulong tubig
  5. Patuyuin ang mga kamay nang mabuti gamit ang alinman sa malinis na cotton na tuwalya, papel na tuwalya o ang pantuyo ng kamay
  6. Dapat na huwag muling direktang hawakan ang gripo gamit ang malilinis nang kamay
  • Maaaring isara ang gripo gamit ang tuwalya na ibabalot sa gripo; o
  • pagkatapos sabuyan ng tubig ang gripo upang linisin; o sa pamamagitan ng ibang tao

Explanation:

Hope it helps^^

Napakaraming tanong at sagot tungkol sa tungkol sa tamang paraan sa pag hugas ng kamay, sana ay makatulong ito sa paglutas ng iyong problema.

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma

Form sa Pag-contact